subukan ninyong makipagusap sa mga taong
nasira ang relasyon at malalaman niyong halos
iisa ang nararamdaman nila.
nahandoon ang matinding sakit ng kalooban,
awa sa sarili, galit, panghihinayang,
pangongonsensiya, kawalan ng gana,
kawalan ng pagasa at iba pang negatibo..
pero kung uugatin ang dahilan
ng kanilang paghihiwalay, gaano man kalaki
o gaano man kalawak ang inabot ng kasiraan.
ang lahat ay nagsimula sa maliit na bagay!
naniniwala ako na hindi lang basta nagpapasya
ang lalaki o babae na bigla na lang
humiwalay sa karelasyon o asawa o sirain na
ang kanilang pagsasama.
may pinagmumulan ito na siyang nagiging dahilan
ng pagtalikod sa mga sumpaan.
palibhasa ngay maliliit kaya napakadaling
ibalewala o pabayaan.
maliliit nga kasi, mahina, hindi pansinin
walang bigat, walang importansya.
siguro nga ganoon.
pero kahit maliit ngunit kung hindi
naman natse check, may posibilidad
na dumami, bumigat, lumakas.
doon na nagiging malaki ang maliit.
magugulat na lang minsan ang kapareha
na bagamat maliliit lang ang dahilan
ng kabiyak, ngunit patuloy na naiipon,
nagiging collective at nagsasama sama
hanggang sa hindi na magawang ipagsawalang bahala
ng nakararamdam, bibigay din siya, susuko!
mapapagod, magsasawa!
napakahirap gamutin ang maliliit na bagay
na ito dahil bawat isa'y kakaiba
at nangangailangan ng espesipikong gamot
ngunit iisang solusyon lang ang hinahangad
at iyon ay wakasan na ang kanyang pagtitiis.
mahirap mapansin ang maliliit na bagay
at kinakailangan dito ang bukas na linya
ng komunikasyon ng magkapareha.
kung alam naman natin na mabuti ang kapareha
at hindi sinasadya ang mga pagkakasala
masmabuting pagusapan ang lahat.
may mga tao namang sadyang umaabuso
o walang tunay na pakialam sa sariling mga aksyon
at damdamin ng kapareha, may mas posibilidad na
masira ang kanilang relasyon kundi man magmistulang
isang parusa o habambuhay na tiisin.
sabi ngay nakakapuwing din ang maliit.
pero sa ganitong sitwasyon mas malala dahil nakakasira.