Tuesday, August 28, 2012

"hindi dapat madaliin ang pagibig"



May kasabihan na kapag hinog sa pilit
ang isang bagay ay hindi ito kasingtulad ng
nahinog sa tunay nitong kalagayan at panahon.
maari itong maging maasim, walang sarap,
kulang o hindi sapat dahil hindi tama ang naging
pagusbong at paglaki.

ganoon din sa pagibig . may malaking posibilidad na
hindi ito maging kasing init, kasing tamis, kasing lalim
at kasing totoo ng pagibig na umusbong sa
pamamagitan ng tamang paraan at panahon.

ang pagibig o ang karanasan natin sa pagibig ay
hindi magiging ganoon kaganda at kapanatag
kung pinilit natin o inobliga dahil ang pagiging
tunay nito ay kusang umusbong at nasa
kagustuhan ng isang tao!

hindi kaila sa atin na may mga pangyayari
sa buhay ng ibang tao na masasabi nating
hinihinog sa pilit ang pagibig.
kumbaga, minamadali dahil nagmamadali.

karaniwan na ang bagay na ito sa mga tinatawag
na huli sa byahe. minamadali nila ang pagusbong
at paglalim ng pagibig dahil kailangan nilang
umabot sa LAST TRIP!!

may mga pagkakataon din na minamadali nila
pagibig dahil wika ngay good catch ang kapareha.
at kasya mapunta sa iba o makawala pa
ay sinusunggaban na ito.

mabibilang natin sa kamay ang proportion
ng mga taong naging tunay na maligaya sa relasyon
na minadali kumpara sa mga dumaan sa angkop na proseso.
ang unang una kasing nawawala ay ang sapat na panahon
para higit na makilala ang kapareha,
lalo na ang mapagaralan at malaman ang tunay na
damdamin patungkol sa kanilang relasyon.

ang pagibig ang itinuturing na
pinakamakapangyarihang emosyon nating mga tao.
ganoon ito kalakas para kayaning pangibabawan
at pangunahan ang nakakaramdam nito.
at nangagahuluga na may malaki itong impluwesya
sa mga pananaw at desisyon ng isang tao.

kung mali na nga na pangibabawin ang pagibig
sa ating buhay, paano pa kung ang mangingibabaw
ay hindi ganoon kastable at katotoo?
hindi bat mas mapapahamak ang taong iyon?

paano naman halimbawa kung sabihin natin na nagmadali
na nga at binalewala na ang nararapat at sa bangdang huli,
kung kailan huli na, ay malaman niyang nagkamali siya?
maibabalik pa ba natin ang ikot ng orasan para bumalik
sa nakaraan at baguhin ang naging desisyon?
natural hindi na!

ang pagibig ay maaaring maganda at pangit.
masaya at malungkot!
matagumpay at bigo.
nasa atin ang kapangyarihan para makuha
ang alinman sa mga bagay na ito.
pero mas malaki ang tsansa natin
na sa maganda tayo mapupunta kung hahayaan
nating pnahon ang magsabi at magsiwalat
ng lahat lahat at hindi iyong
pangungunahan natin ito dahil
hindi tayo ganoon katalino!!!

No comments:

Post a Comment