Friday, June 4, 2010

paalam...


kay tagal narin ang nakalipas buhat ng mawala ka
kay haba na rin ng pinagdaanan kong kalungkutan

at masasabing tunay na naging miserably

ang mga araw na ako'y iyong nilisan

napatanong tuloy ako sa aking sarili
saan ba ako nagkulang?
ano ba ang mali kong nagawa?
ginawa ko naman lahat..
binigay ang lahat lahat..
ang mundo ko
ang oras ko
ang buhay ko
at higit sa lahat ang
dalisay kong pagmamahal sayo
pero
bakit
kay saklap ng mga pinadanas
sa akin ng kahapon..



subalit kong bibigyan ako ngayon ng isang kahilingan
alam mo ba kong ano ang hihilingin ko?? "
ang maibalik ang kahapon na kasa kasama ka"

masakit man tanggapin
subalit
ang mga araw na yan
ang naging pinakamasayang araw ng buhay ko

ang mga araw na kasama ka
ay ang mga araw na hindi ko makalimutan.
ang mga alaala na binuo natin magkasama
ay habang buhay kong dala dala
sa paglalakbay ng buhay..

sa kabila ng matinding kalungkutan
pinili ko parin ang maghintay
pinili ko parin magtiis
pinili ko parin ang magsakripisyo
at higit sa
pinili ko parin ang
patuloy ka paring mahalin
ng higit pa sa kung sino!

ganito nga siguro pagtunay mong mahal
ang isang tao
lahat lahat gagawin mo
gaano ka man kasakit
gaano man kahirap
lahat balewala
basta ang alam ko

MAHAL NA MAHAL KITA!!


pero ang pinakamalungkot na bahagi nito
ay kelangan mo na syang pakawalan ng tuluyan!
itigil na ang paghihintay dahil hindi na dapat!
itigil na ang pagtitiis sapagkat
wala nang pupuntahan pa..
eto na ang pinakamasakit na bahagi sa lahat
ang tanggapin na kelanman ay
di na sya muling mapapasakin
kelangan ko ng itigil ang lahat
ng kabaliwan kong eto..
dahil ika'y kasal na sa kanya......


pero bago ako tuluyang magpaalam sayo
aking pinakamamahal sa lahat
hayaan mo muna malaman mo etong sasabihin ko

"bru mahal na mahal kita simula pa kahapon hanggang magpakaylanman!
hindi titigil ang pagtibok ng puso ko sa pagsigaw
na ikaw lang ang laman nito wala ng iba

pero kung dumating man ang bukas
at may dumating na magmamahal sa akin
patawarin mo ako pero hahayaan ko syang
ibigay ang susi ng puso ko para
muli ito tumibok at mageng masaya

pero pinapangako ko sayo
kelanmay hindi ka mawawala sa puso ko!
lagi ka parin magegeng bahagi nitong puso ko
anuman ang mangyari!
salamat sa mga alaala na habang buhay
kong babalik balikan.."




....franzperea...