Thursday, August 30, 2012

"so what kung chubby ka"



ano nga bang masama o mali sa pagiging mataba o chubby???
bakit isang malaking issue qng tumaba ang isang taong date ay payat??
na kung makapagsalita ang mga taong nasa paligid mo ei
"uy ang taba taba mu na!'
"ang baboy mu na"
"anong nangyare bakit pinabayaan mo sarili mo?"

ilan lang yan sa mga kalimitang naririnig ng isang chubby na tulad ko!!
bakit nga ba ganoon magsalita ang mga tao?
siguro nga nabigla lang sila sa bigla mong pagtaba,
siguro nga di lang sila sanay kasi date ei 'payat' ka!
pero teka! hindi ba nila naisip na sa pagsasalita nila ng ganon sa mga chubby
ei nakakasakit na kayo ng damdamin ng isang?
lalo na pagpaulit ulit sinasabi..
di din ba ninyo naisip na lalo tuloy nawawalan sila ng
self confidence sa katawan
dahil feeling nila purke't chubby sila
ei wla na silang "K" sa mga bagay bagay!

eto huh tignan nyo!
ang isang taong chubby kasi mahirap ang pinagdadaanan nyan
,bumababa ang bilib sa sarili ng mga yan,
nawawala ang self confidence!
kasi dumarami ang mga bagay na di na nila
nagagawa nuon sa ngayong chubby na sila!
katulad nalang ng madali silang hingalin,
yung mga damit nila nuon di na nila masuot ngayon!
na di tulad date kahit ano kasya saknila.
simpleng mga bagay lang yan
pero yan ang nagpapahina ng loob ng isang taong chubby!
maspipiliin nalang nyang magkulong sa loob ng kwarto kesa lumabas!
nawawala na tuloy ang social life nila!
kasi feeling nila kapag nakihalubilo sila sa tao
ei makakarinig lang sila sa mga kasama nila na
uy taba mu na,
na lage nalang sinasabi saknila!

diba masmaganda at makakatulong tayo s mga taong chubby
kung di na natin ipaparamdam sa knila
at lalong ipapamukha na mataba sila o chubby sila!
kasi alam na nila sa mga sarili nila yun ei..
masmakakatulong tayo saknila kung ipaparamdam
natin saknila na di sila naiiba purke mataba sila.
yayain natin sila lumabas labas para nalilibang sila
at hindi nadedepress dahil sa pagegeng chubby nila!
kung nabigla kayo na nakita nyo syang tumaba,
sabihin natin sa mgandang pagkakasabi,
sabihin natin ng may lambing hindi
sa paraang nanlalait o namamahiya!
sa simpleng bagay na yan makakatulong tayo saknila!
tandaan, hindi kasalanan o pagkakamali
ang pagegeng mataba o chubby!
wag natin silang ituring na iba,
wag natin silang laitin, wag pagtawanan,
at maslalong wag natin ipamukha saknila kung ganoo sila tumaba..

No comments:

Post a Comment