Monday, November 5, 2012

ang nakaraan...







May pagkakataon sa buhay natin na
bumabalik ang lahat ng alaala ng nakaraan...
yung regrets andun parin na akala mo
nakabaon na dahil sa tagal ng panahon na lumipas..
yung katanungan sa ating isipan
na pilit nagsusumiksik sa ating mga isipan..
mga tanong na hanggang ngayon ay naiwan
na hindi pa din nasasagot..


kung bakit hindi kayo ang naging para sa isa't isa?
bakit hindi nya pinanindigan ang mga pangako nya sayo? 
kung bakit sa kabila ng sobrang pagmamahal mo sa kanya 
ay di pa rin ito naging sapat para mahalin ka nya? 



pero sadyang ganyan talaga ang buhay! 
na habang nabubuhay ka ay di ka titigilan ng nakaraan! 
na sadyang nagpapaalala sayo na minsan nagmahal ka ng sobra 
sa isang taong akala mo sya na talaga 
na minsan sa buhay mo nasaktan ka, at halos mabaliw sa 
pagmomove on, makalimutan lang sya! 
peru sino bang hindi makakalimot sa dalang saya nang nakaraan 
nung kasagsagan na kayo ay nagmamahalan pa.. 


pero gaya din ng sabi nila... 
"past is past" 
na kahit gusto mo man itong balikan ay di na pwepwede 
sapagkat ang buhay ay patuloy na umuusad 
at kailanman ay di ito lalakad paurong gaya ng iyong kagustuhan...






-yung iba dito kinopya q ke "king rude" sa fb-