Friday, August 31, 2012

"ehersisyo"




babangon sa kama ng maaga
upang tugtug ay simulang pindutin
todo ang pagindak sabay sa tugtugin.
upang bilbil ay matagtag ng matulin

ang pawis sa mukha, umaagos
at hanggang dibdib, bumubuhos
pintig ng puso wagas sa bilis
paghabul sa paghinga di malubos

pero bakit di nababawasan
ang bigat, ganun pa rin sa timbang
araw- araw nageehersisyo
magbunga na sana ang sakripisyo!


pagtapos ng araw, paa'y nasa timbangan
dismayado, pagtimbang natunghayan
dating bigat di nabawasan
kahit pakiramdam ay gumaan!

No comments:

Post a Comment